37

Aug 3, 2021 @ 16:41
By

Buhat ni Rubio ‘di sapat! Spain taob sa USA

Sa kabila ng maraming duda ay nakatungtong pa rin ang Team USA sa inaasahang dapat nilang kalagyan sa Olympics – ang semifinals.

Umiskor si Kevin Durant ng 29 points habang apat pang kakampi ang umiskor sa double-digits upang tulungan ang USA na makuha ang 95-81 panalo kontra Spain sa quarterfinals nitong Martes.

Dahil rin sa panalo ay pasok na sa semifinals ang USA.

Ang balanseng opensa ng mga Amerikano ang kanilang naging sagot sa mainit na laro ni Ricky Rubio, na binuhat ang Spain sa kanyang 38 points.

Sa kabilang dako, kung ano ang lagablab ni Rubio ay ganoon naman ang naging lamig ng kanyang mga kakampi na tumapos lamang ng pinagsamang 16-of-44 field goal shooting.

Tumapos si Jayson Tatum ng may 13 points, habang 12 points naman ang dinagdag ni Jrue Holiday, 11 points para kay Damian Lillard at 10 points mula kay Zach Lavine ang nakatulong upang magwagi ang USA.

Hihintayin ng USA ang mananalo sa Australia at Argentina sa semis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?