194

Sep 7, 2020 @ 15:17
By

Bugoy sa anak nila ni EJ: At least ‘di ako tumakbo sa responsibilidad!

Nagsalita na si dating ‘Goin Bulilit’ star Bugoy Cariño sa isyu ng paglantad ng kanilang anak ni EJ Laure kahit menor de edad pa lang ang aktor.

Ito’y matapos na birahin siya ng social media influencer na si Angel Dei, na sinabing mali ang relasyon ni Bugoy sa volleyball star na si EJ dahil sa kanilang mga edad.

Saad ng dating Hashtags member, batid niyang may mali sa kanilang ginawa ni EJ, ngunit hindi umano sila dapat i-judge ng mga tao.

“Opo alam namin na may mali sa ginawa namen, pero para ijudge kami basta basta? Ibang usapan na po yun…” lahad ni Bugoy.

Aniya pa, kahit bata pa siya ay kanyang pinandigan ang kanyang anak kay EJ.

“At least ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan,” giit pa nito.

Nilantad ng dalawa ang kanilang anak sakto sa ika-18th birthday ni Bugoy noong September 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?