20

Oct 18, 2020 @ 22:23

Bugoy nahirapan sa baby nila ni EJ

Binahagi nina Bugoy Carino at EJ Laure ang karanasan nila bilang first-time parent sa unang pagkakataon sa isang interview.

Sey ni Bugoy, kinailangan niyang mag-adjust dahil unang beses niyang maging tatay lalo pa sa kanyang edad.

“Siyempre po nung una, hindi naging madali sa akin. Siyempre kasi hindi ko naman po alam kung paano maging daddy, kung paano alagaan yung baby. Pero habang tumatagal, natututunan ko,” saad ng dating ‘Goin Bulilit’ actor sa ‘I Feel U’ ng ABS-CBN.

Aniya, dahil sa kanyang anak kay EJ ay mas naging mature siya lalo’t may responsibilidad na siya, at isa sa mga pangarap niya ay magkaroon ng sarili nilang bahay.

Tinulungan din ni Bugoy si EJ na huwag pansinin ang mga basher sa kanilang relasyon.

“Sinasabi ko lang, ‘Okay na iyan. Huwag mo na lang pansinin.’ Hindi rin ako nagpapaapekto para siya rin hindi maapektuhan. So sasabihin ko lang sa kanya na huwag na intindihin kasi wala naman magagawa sa atin yun,” lahad pa ni Carino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?