16

Oct 19, 2020 @ 13:48
By

Bugoy-EJ walang pake

Ayon kay EJ Laure, hindi nagpapaapekto sa anumang banat ng ibang tao si Bugoy Carino kaya siya ang naging sandalan at inspirasyon nito para dedmahin na rin ang kanilang mga basher.

“Kasi si Bugoy ever since talaga wala siyang paki sa sasabihin ng tao. Nung nagtagal ‘yung relationship namin, parang natutunan ko na ding dedmahin,” pahayag ni UAAP Season 87 Rookie of the Year Laure sa ‘I Feel U’ ni Toni Gonzaga.

Magugunitang pinutakti ng intriga sina EY at ang dating child actor na si Bugoy nang lumantad sa social media ang pagkakaroon nila ng anak.

Anuman ang inabot nilang kontrobersya ay wapakels at tuloy lang ang buhay ng dalawa para sa kapakanan ng kanilang anak.

“Hindi ko pinapansin ‘yung mga sinasabi ng ibang tao. Ang importante kung anong meron sa aming dalawa at’ yung kay baby,” sambit ni Laure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?