45

Nov 20, 2021 @ 22:21
By

Buendia bus station bubuksan sa Lunes

Kasabay ng patuloy na pagdami ng mga pasahero sa Metro Manila ay bubuksan sa Lunes ang istasyon ng EDSA Busway sa Buendia.

Ang pagbubukas ng naturang istasyon ay kaugnay din ng pagkakaroon ng bagong footbridge sa kanto ng EDSA at Buendia, o kilala rin bilang Gil Puyat Ave.

“Inaasahang mas mapaluluwag nito ang pedestrian traffic at magiging mas ligtas at seamless ang pagsakay at pagbaba ng mga commuters na manggagaling at pupunta sa nasabing lungsod, lalo na at konektado ito sa pasilidad ng MRT-3,” saad sa pahayag ng Department of Transportation.

Sa ngayon ay may 13 bus station ang EDSA busway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?