25

Oct 16, 2021 @ 18:40
By

Buding naging abogado kung hindi balibolista

Ibinahagi ng Chery Tiggo libero na si Buding Duremdes na malaki ang tulong na ibinigay sa kanya na kaniyang tiyuhing si former PBA Most Valuable Player (MVP) Kenneth Duremdes.

Ang dating PBA star ay tiyuhin at ninong rin ng volleybelle.

“Pero si tito hindi niya talaga ako pinapabayaan lalo na sa career ko ngayon sa volleyball, lagi siya nagbibigay ng advice. Halos nag-uusap kami lagi thru text, nag-aadvice siya sa akin,” sey ni Buding.

Hindi naman aniya niya naisip na sumunod sa yapak ng kanyang tiyuhin dahil siya ay kinulang sa height.

Sa tanong kung ano ba ang career nito kung hindi siya volleyball player ay nagbiro pa ito na isa raw siyang lawyer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?