18

Sep 17, 2021 @ 16:26
By

Budget sasalang na sa plenaryo ng Kamara

Sasalang na sa deliberasyon ng plenaryo ng Kamara de Representantes sa susunod na linggo ang panukalang P5.024 trilyong budget para sa 2022.

Ayon kay House Committee on Appropriations at ACT-CIS Rep. Eric Yap sisimulan ang deliberasyon sa Setyembre 21.

Umaasa ang liderato ng Kamara na maipapasa nito ang budget sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-adjourn ang sesyon sa Setyembre 30.

Walang sesyon ang Kongreso mula Oktobre 1 hanggang Nobyembre 7 upang bigyang daan ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) at ang Halloween break.

Umaasa si Yap na masesertipikahan ng Malacañang na urgent ang panukala upang ma-exempt ito sa three-day rule o tatlong araw na pagitan sa pag-apruba ng isang bill sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?