2,097

By

Budget para sa SEA Games hitik sa overpriced

Nasilip ang confidential budget ng bansa sa pagho-host sa Southeast Asian (SEA) Games.

Sa umano’y kopya ng confidential budget na hawak ng Philippine Star na mula sa national sports hierarchy, ilan sa mga bayarin na nakapaloob dito lalo na ang nasa ilalim ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, ay sobrang overpriced.

Kabilang na rito ang nakalululang halagang P50 milyong inilaan para sa konstruksyon ng isang stadium cauldron o “higanteng kaldero” para sa SEA Games.

Ang stadium cauldron ay gagamitin umano para sa lighting ng SEA Games flame, na symbolic ceremonial opening ng palaro.

Sa disenyo pa lang ng “higanteng kaldero” ay nagkakahalaga na ng P4,400,000 habang pumapalo sa P13,440,000 ang gagastusin para sa foundation nito.

Nasa P32 milyon naman ang halaga ng physical construction at installation ng cauldron habang panibagong P6 million naman ang magagamit para sa wrist tags.

Kaya sa cauldron pa lang ay susuka na ang gobyerno ng P55,920,000.

Ito na umano ang pinakamahal na pagsisindi ng torch sa kasaysayan ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?