34

By

Budget ng anti-drug war ng PNP, tatapyasin ng Senado

Sharing is caring!

Desidido na ang mga senador na bawasan ang P1.4 billion na badyet ng Philippine National Police sa 2018 para sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Senador Ping Lacson, vice chairman ng Senate committee on finance, dedesisyunan nila sa susunod na linggo kung saan ililipat ang pondo.

Bunsod ito ng direktiba ni Pangulong Duterte na alisin sa Philippine National Police (PNP) ang pangunguna sa kampanya laban sa droga. Isinalin ang tungkulin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa nasabing halaga, P900 milyon ang nakalaan sa Oplan Double Barrel o Oplan Tokhang at P500 sa Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga (Masa Masid).

Sa gitna ng plenary debates ng Senado ukol sa panukalang 2018 national budget, iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na gamitin na lan ang badyet sa pagpapatayo ng bahay para sa mga pulis.

Malaking karagdagan umano ito sa housing program budget para sa PNP na sa ngayon ay P1.6 bilyon lamang.

“I will propose to realign, during the period of amendments, the P1.4 billion of Tokhang Double Barrel and Masa Masid be moved to the housing of the Philippine National Police, since the PNP is no longer involved in illegal drugs, and this is principally—these two items are on illegal drugs,” pahayag ni Drilon.

Ipinalilipat naman ito ni Lacson sa maintenance and other operating expenses (MOEE) para may pandagdag na panggastos ang PNP.

“Kasi ngayon medyo mababa ang MOOE I will propose to realign, during the period of amendments, the P1.4 billion of Tokhang Double Barrel and Masa Masid be moved to the housing of the Philippine National Police, since the PNP is no longer involved in illegal drugs, and these two items are on illegal drugs,” ayon kay Lacson. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }