31

Nov 18, 2021 @ 15:01
By

Budget deliberation sa senado nakabitin – Sotto

Inamin ni Senate President Vicente Sotto III na maantala ang deliberasyon ng panukalang 2022 national budget subalit dodoblehin ang kanilang oras upang matapos na ito sa Martes.

“Yes indeed there will be a delay. We will just have to work double time, in other words, we will just try to squeeze in on Monday even if it takes us to finish until the wee hours of the morning of Tuesday,” sabi ni Sotto.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos suspendihin ang deliberasyon ng panukalang badyet nitong Huwebes nang magpositibobng muli sa coronavirus si Secretary Delfin Lorenzana.

Dumalo si Lorenzana sa budget deliberation ng 2022 budget ng Department of National Defense (DND) noong Martes.

“Because of what happened, we will have to try Monday, finish everything until the wee hours of the morning but if we do have to extend until Tuesday, what will we need will be a double time work by the LBRMO (Legislative Budget Research and Monitoring Office),” ayon kay Sotto.

Sabi pa ni Sotto, dodobblehin nila ang kanilang oras sa panukalang amendment sa budget simula sa Lunes.

Ang mga ahensiya ng gobyerno na hindi pa natatalakay ang panukalang badyet ay Department of Social Welfare and Development, the Department of Transportation, the Presidential Communications Operations Office, Department of Trade and Industry, Department of Education, Department of Public Works and Highways, at State Universities and College.

Subalit sa kabila ng pagkaantala ng deliberasyon, tiniyak naman ni Sotto na hindi magkakaroon ng reenacted budget para sa 2022. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?