14

By

Budget briefings ng Kamara, suspendido

Sharing is caring!

Nagdesisyon ang Kamara na suspendihin muna ang paghimay sa panukalang P3.757 trilyon na pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay House appropriations committee chairman Karlo Nograles, inabisuhan na nila ang lahat ng ahensya sa desisyong ito ng Kamara.

Indefinite ang suspensiyon ng budget briefings kasunod nang tinututulang cash-based budgeting.

Sabi ni Nograles, gusto ng Kongreso na bumalik sa obligation-based budgeting kaya naman bibigyan nila ng panahon ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na gawin ang kinakailangang mga pagbabago sa proposed 2019 national budget.

“It’s the decision of the House.. to be consistent with the position to oppose cash-based budgeting. And since we will revert to obligation-based budgeting we will give time to the DBCC to make the necessary changes,” ani Nograles.

Una rito, nagkasundo ang mga kongresista na gawan nang paraan na maibalik ang tinapyas na pondo sa maraming ahensya ng gobyerno dahil sa cash-based budgeting.

Kaugnay nito’y nakatakdang bawiin ng Kamara ang inaprubahang resolusyon na sumusuporta sa budget reform bill na naisumite na sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?