133

Dec 13, 2017 @ 15:20

BuCor post na alok ni Duterte, tinanggap na ni Bato

Kinumpirma kanina ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na tinanggap na niya ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang Bureau of Corrections (BuCor) matapos ang kanyang nakatakdang pagretiro sa Enero 2016.

“He has been my boss ever since, and he is my boss forever. Kung anong trabahong ipapagawa niya sa ‘kin, I’m willing to do it,” pahayag ni Dela Rosa, isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Duterte sapul pa noong police chief ito ng Davao City.

Naunang nang sinabi ni Dela Rosa na inalik diumano sa kanya ni Duterte pinaka-most challenging na posisyon sa gobyerno na hindi nagawang ireporma ng mga dating opisyal ng BuCor.

Naunang itinalaga ni Duterte si Benjamin Delos Santos bilang BuCor chief subalit nagbitiw sa puwesto sa gitna na patuloy na pamamayagpag ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Si retired Chief Supt. Valfrie Tabian ang kasalukuyang head ng BuCor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?