91

Sep 19, 2019 @ 13:41
By

BuCor official umaming nag-text sa witness sa GCTA scam

Inamin ng isang Bureau of Corrections (BuCor) official na kinausap niya umano ang isang witness sa pagbabayad ng malaking halaga para sa paglaya ng preso sa bias ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sinabi ni BuCor Officer 3 Veronica Buño, kanyang nakakausap si Yolanda Camilon, ang naging testigo sa GCTA for sale nang pagbayarin umano siya ng P50,000 para makalaya ang kanyang asawang nakakulong.

Si Buño ang tinurong katransaksiyon ni Camilon, kasama ang isa pang prison officer na si Benilda Bansil, hingil sa P50,000 para makalaya ang asawa nito.

Nang matanong ni Senador Richard Gordon si Buño kung totoo bang nakakausap nito si Camilon ay inamin nito ang ugnayan nilang dalawa.

“Naguusap kayo sa text?” tanong ni Gordon kay Buño.

“Nag-message ako sa kanya,” tugon ni Buño.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?