38

Dec 2, 2021 @ 16:16
By

BuCor nag-issue guidelines sa maaring pumasok sa NBP Reservation

Naglabas ng mga patakaran ang Bureau of Corrections (BuCor) sa mga maaring makapasok sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation sa Muntinlupa.

Giniba na ng BuCor ang pader na hinarang nito sa kalsada sa Katarungan Village at pinalitan ito ng control gate.

Nagsabit din ng karatula ang BuCor na listahan ng mga ipinagbabawal sa loob ng NBP Reservation.

Pinagbabawal na ang pagmamaneho ng motorsiklo na naka-tsinelas at sando; pagpasok ng mga motorsiklo na may malakas na tambutso; pagdaan ng mga tricycle; at paglagpas sa speed limit ng anumang sasakyan.

Bawal na ring pumasok na walang id galing sa BuCor, kanilang mga dependent, at mga bisita; pagbisita sa Reservation na nakasuot ng sando at tsinelas; at pagbebenta sa loob ng walang permit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?