560

Nov 29, 2021 @ 8:58
By

BuCor chief persona non grata sa Muntinlupa

Idineklara ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa City bilang persona non grata sa lungsod si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag kaugnay ng pagtatayo ng mga pader sa paligid ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon sa ulat, nagdaos ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at nagpasa ng anim na resolusyon, isa na rito ang pagdedeklara kay Bantag bilang persona non grata.

Pahayag ng Muntinlupa LGU, kinokondena nila ang pagtatayo ng pader ng BuCor sa nagsara sa mga importanteng kalsada sa lungsod, partikular ang patungo sa Katarungan Village 1 at 1, Muntinlupa National High School, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Southville 3 housing project, at Type B NBP Reservation.

Bukod dito, isa rin sa mga ipinasang resolusyon ay ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa ilang opisyal ng BuCor. (mjd)

https://www.facebook.com/officialMuntinlupacity/posts/263603889141202

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?