42

Dec 29, 2017 @ 16:23

Bucks ‘nagwala’; 20-point lead ng T-Wolves pinanis

Umiskor ng 26 points si Eric Bledsoe habang nagsahog ng 22 si Giannis Antetokounmpo para manguna sa ‘pagwawala’ ng Milwaukee Bucks mula sa pagkakabaon ng 20 points sa Minnesota Timberwolves at madakot ang panalo, 102-96, nitong Huwebes (Biyernes, Manila time).

Iginapos nila sa season-low 12 points ang Timberwolves sa fourth quarter.

Nanlamig ang Minnesota sa huling 4:21, bunga nito’y naputol ang five-game winning streak nila.

Nasilip ni Bledsoe si Antetokounmpo na bukas sa 3-point range at ipinasa niya ang bola dito na hindi naman nabigo kaya’t nakuha ng Bucks ang una nilang lamang 95-93, may 2:25 pang nalalabi.

Nasundan pa ito ng three-point play ni Bledsoe at nakita na naman niya si Antetokounmpo para pasahan ng bola at makakonekta ng dalawang puntos na nagtulak sa 100-93 iskor pabor sa Bucks sa 1:04 nalalabi sa orasan.

Sunod na makakalaban ng Timberwolves ang Indiana sa Linggo habang masayang haharapin ng Bucks ang Oklahoma City sa Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?