36

Dec 20, 2017 @ 13:34

Bucks iginapos ang Cavaliers; 5 win streak pinutol

Ginamit ng Bucks ang malaking kalamangan sa second quarter upang makontrol at maigapang ang panalo laban sa top two seed sa Eastern Conference na Cleveland Cavaliers, 119-116, nitong Martes sa Milwaukee (Miyerkules, Manila time).

Nagpabulusok sa opensa ng Bucks si Giannis Antetokounmpo na umiskor ng 27 at maagang naigapos ang Cavs sa 39-24 iskor sa second.

Nagawa mang makahabol ng koponan ni LeBron James ngunit huli na ang lahat dahil kinapos din.

Bunga nito’y napatid ng Milwaukee ang tatlong laro na nilang pagsemplang.

Back to zero naman ang Cleveland matapos maputol ng Bucks ang limang win streak nila kahit pa nga may nilagareng 39 puntos si LeBron.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?