By

WHO, bubusisiin muli ang Dengvaxia

Sharing is caring!

Magsasagawa ng “full review” ang World Health Organization (WHO) kaugnay ng bakuna kontra dengue na Dengvaxia na gawa ng Sanofi Pasteur.

Ang pahayag na ito ay inilabas ng WHO sa pamamagitan ng kanilang website matapos aminin ng Sanofi na maaaring magdulot ng malalang sakit ang Dengvaxia para sa mga taong hindi pa tinatamaan ng dengue.

Ayon sa WHO, magsasagawa muli sila ng mabusising pag-aaral tungkol sa Dengvaxia sa pamamagitan ng kanilang Global Advisory Committee on Vaccine Safety at Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) para sa pagpapalabas ng revised guidelines kaugnay ng paggamit ng Dengvaxia.

“WHO will conduct a full review of the data through the Global Advisory Committee on Vaccine Safety and SAGE, for revised guidance of the use of Dengvaxia,” ang nakasaad sa statement ng WHO.

Pero habang nakabinbin pa ang pag-aaral ng WHO, inirerekomenda nito na gamitin lang ang Dengvaxia sa mga taong tukoy nang tinamaan ng dengue.

“Pending the full review of the data, as a precautionary and interim measure, WHO recommend that Dengvaxia is only administered to subjects that are known to have been infected with dengue prior to vaccination,” bahagi ng pahayag ng WHO. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?