10
asian-game-1
By

Bubuo sa PH women’s volleyball team, tinalupan na

Sharing is caring!

Nitong Miyerkoles ay pinangalanan ang 20 babae na maaaring bumuo sa women’s volleyball team na sasalang sa darating na Asian Games ngayong Agosto, Asia Cup sa Setyembre at Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Si Aby Maraño ang napiling kapitana ng koponan kasama ang ilang kilalang pangalan sa volleyball gaya nina Alyssa Valdez, Dindin Manabat, Jaja Santiago, Kim Fajardo, Jia Morado, Ces Molina, Rhea Dimaculangan, Mika Reyes, Majoy Baron, Dawn Macandili, Cha Cruz-Behag, Mylene Paat, Cj Rosario, Maika Ortiz, Rebecca Rivera, Denden Lazaro, Myla Pablo at MJ Philips.

“Lahat naman sila fit para sa team pero kailangan talagang mamili, (pero) kung kami ang tatanungin kung puwede ‘yung 20 umalis lahat para makita ang exposure sa Asian Games,” ani head coach Shaq delos Santos.

Dagdag nito, pinakamahirap para sa kanila ang magbawas ng manlalaro at ‘yung mga napili nila ay kayang maglaro sa kahit na anong posisyon.

Nakatakda ngayong araw na pangalanan ang 14-woman lineup na babandera sa kampanya ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?