253

Dec 27, 2017 @ 19:36

Buboy Villar, proud daddy kay baby Vlanz Karollyn

Ipinakita na rin ni GMA-7 actor Buboy Villar ang baby nila ng partner na si Angillyn Serrano Gorens.

Sa kanyang Instagram account ipinoste ni Buboy ang pictures ng kanilang baby girl na si Vlanz Karollyn.

Noong Setyembre nanganak si Angillyn pero ngayon lang ipinakita ni Buboy ang kanilang anak.

At nitong Pasko nga ay buong pagmamalaki niyang ipinakita ang pictures nito na may mga caption na “Ang lakas ko. Merry Christmas!” at “Kagigil”.

Cute na cute si baby Vlanz Karollyn na may pagkakahawig kay Angillyn.

Kagigil ?????

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?