pacman
By

Buboy nag-iingat na ma-overtrain si Manny

Sharing is caring!

Makabuluhan ang unang linggo ng training camp ni Manny Pacquiao.

Iyan ang tingin ni head trainer Buboy Fernandez kaugnay sa Week 1 ng ensayo ng eight-division champion bilang paghahanda para sa tangkang pag-agaw niya ng WBO 147-pound crown ni Argentine Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Napakaganda ng simula ng training camp,” wika ni Buboy, katuwang sina Nonoy Neri at Roger Fernandez sa pag-eensayo ng Pambansang Kamao.

Kwento ni Buboy, sa nagdaang limang araw mula Lunes hanggang Biyernes ay nakatakbo na si Manny, 39, ng 20 kilometro at bumira na ng 25 rounds sa mitts.

Ayon sa chief trainer, posibleng madagdagan pa ang kanilang training depende sa kagustuhan ni Pacquiao. Gayunman, nag-iingat sila na baka ma-overtrain ito.

“If Manny wants to increase the frequency, we might, although we still have to weigh things over. Masyadong maaga pa. May 10 weeks before the fight. We know naman Manny, kapag ginanahan, hindi maawat,” panapos ni Buboy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?