50

By

Buboy kay Lucas: Ingat ka sa bagyo!

Sharing is caring!

May parating na bagyo sa Malaysia. Pinag-iingat si Lucas.

Babala ito ni Buboy Fernandez, chief trainer ni Manny ‘The Pacman’ Pacquiao sa makakaharap na WBA welterweight champion na si Lucas Matthysse ngayong Linggo, Hulyo 15, sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Banta ni Buboy, halimaw at hindi gurang na boksingero ang haharapin ng ‘La Maquina’.

“You wait for the return of the Storm from the Pacific. If Superstorm Maria did not enter the Philippines, this one will,” deklara ni Buboy sa artikulong lumabas sa boxingscene.com.

“We will see [if Matthysse can back up his words]. He shouldn’t be too cocky, because he’ll see a different Manny Pacquiao. More monster.”

Halos isang taon na nang maagaw ang WBO 147-pound belt ni Pacquiao ng Aussie na si Jeff Horn sa kanilang laban sa Brisbane. Ngayong Linggo, nangako ang kampo ni Pacquiao na magpapakita ito ng magandang loaban.

“We are locked and loaded. I am more than ready and excited to show Malaysian fight fans the fruits of hard training and preparation. We had a very great training camp and I cannot wait to fight on Sunday (Saturday in the US),” ayon naman kay Pacquiao. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?