795

Jul 6, 2020 @ 17:46
By

Bubonic plague nabuhay sa China

Naka-high alert ngayon ang mga awtoridad sa Inner Mongolia sa China dahil sa hinihinalang kaso ng bubonic plague, ang sakit na naging dahilan ng Black Death pandemic na tumama sa Europe at Asya noong mid-1300s at kumitil ng milyon-milyong katao.

Nadiskubre ang kaso sa siyudad na Bayannur, na matatagpuan sa Beijing, ayon sa Xinhua news agency.

Isang ospital ang nag-alerto sa mga municipal authority tungkol sa pasyente noong Sabado.

Kaya noong Linggo naglabas ang mga awtoridad ng citywide level 3 warning para maiwasan ang outbreak at mananatili ito hanggang sa matapos ang taon.

Ang bubonic plague ay isa sa deadliest bacterial infections sa kasaysayan ng mga tao. Naililipat ito sa pamamagitan ng kagat ng pulgas at ng infected na hayop.

Kabilang sa sintomas nito ang pamamaga ng mga lymph node, mataas na lagnat, panginginig ng katawan at pag-ubo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?