121

By

Bubong ng tinutuluyan ni Francis Tolentino, linipad ng ‘Ompong’

Sharing is caring!

Hindi nakaligtas ang ilang politiko, kabilang na si Presidential Adviser Francis Tolentino, sa ragasa ng bagyong ‘Ompong’.

Madaling-araw ng Sabado, Setyembre 15, nang pumasok sa kalupaan ng Baggao, Cagayan ang bagyo na binuwal ang mga puno at sinira ang ilang kabahayan kasama na ang kay Tolentino.

Ayon sa report ng Bombo Radyo, natanggal ang bubong at bintana sa bahay na tinutuluyan ng dating MMDA chairman sa Hilagang Luzon.

Kasama pa sa mga nasalanta ay ang iba pang nasa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Labor Sec. Silvestre Bello III na nasa Ilagan City, Isabela; Transportation Sec. Arthur Tugade sa Cagayan at Public Works Sec. Mark Villar.

Kasalukuyang nasa Region 2 ang mga opisyal upang makatulong sa mga residenteng maapektuhan ng bagyong Ompong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?