14

Oct 16, 2021 @ 15:37
By

Bubble tournament niluluto ng NCAA

Matapos mauwi sa virtual at dalawang event ang pinaikling Season 96, gigil ang NCAA Philippines na maibangon ang torneo at makapagdaos ng physical sports sa isang bubble set-up sa susunod na taon.

Ayon sa ulat, ang Season 97 kung saan host ang College of St. Benilde ay balak magkaroon ng basketball at volleyball events na gaganapin sa isang bubble set-up.

Nakikipag-ugnayan na umano ang ilang opisyal ng NCAA sa Commission on Higher Education at Inter-Agency Task Force upang maplantsa ang darating na season.

Isa sa mga pinagpipiliang pagdausan ng bubble season ay ang Subic Bay, kung saan nagpahayag na ng intensyon ang ilang hotel na maging pansamantalang tahanan ng mga atleta.

Karamihan na rin daw sa mga atleta ng mga eskwelahang parte ng NCAA ang bakunado na, partikular ang mga edad 18 pataas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?