169
‘Bubble Gang’ magpapaligaya sa Cebu
By

‘Bubble Gang’ magpapaligaya sa Cebu

Matapos ang isang taon at tatlong buwan muling mapapanood nang live ang 22nd anniversary musical play ng Bubble Gang na pinamagatang “Parokya Na To: A laugh Story”, na gagawin sa Waterfront Cebu City, sa Feb. 15, 2019.

Kung ano ang ipinakita nina Michael V at mga cast ng tinaguriang Philippine longest running gag show, mula sa GMA 7 sa kanilang 22nd anniversary live show, ito ang mapapanood ng mga taga-Cebu.

Walang babawasan o babaguhin sa script at mga eksena sa unang presentation nito, at sa mapapanood sa show nila sa Cebu, ayon kay Michael.

May ilan lang cast members na hindi makakasama sa post valentine show dahil sa prior commitments ng mga ito, pero maglalagay ng mga regional artist para maging player sa ilang mga eksena sa play.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?