1,571

Nov 17, 2021 @ 15:55
By

Bubble Gang actor nagnasa kay Kim Domingo

Binunyag ni sexy star Kim Domingo na isa sa mga lalaking kasama niya sa “Bubble Gang” ang bumakod sa kanya.

Sa episode ng “The Boobay and Tekla Show”, tinanong kay Kim kung sino sa mga lalaki sa gag show ang nagparamdam sa kanya.

Ayaw itong sagutin nang direkta ni Kim ngunit nagbigay siya ng hint na isa raw kina Paolo Contis, Jak Roberto, Sef Cadayona, Antonio Aquitania, Boy2 Quizon, Betong, Archie Alemania at Mikoy Morales.

Kamakailan sa Totropahin o Jojowain segment sa kanyang vlog, sinabi ni Kim na jojowain niya sina Coco Martin, Dennis Trillo at Piolo Pascual. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?