8

Aug 26, 2020 @ 18:49

Bubble game

NALAGAY sina coach Nash Racela at Aldin Ayo sa alanganin nitong mga nakaraang araw tungkol sa pag-violate sa IATF protocols kung saan nag-papractice sila ahead of time bago pa man magbigay ng final decision kung kailan pwede magsimula ng training ang mga team.

Malupit ‘yung uncertainty sa pagbabalik ng new normal sa ating mga kababayan, coaches, negosyante, mananakay, manlalaro a iba pa.

Dapat siguro matanggap na natin sa ating sarili na kailangang magco-exist tayo dito sa COVID-19, ‘ika nga eh iwasan na lang, ingat parati, hugas at dasal lagi.

Sa parte ng player at coach, ang laking kawalan ito pagdating sa timing, confidence at iba pa lalo na kung 4-5 months ka nang walang proper training at actual game.

Hindi biro ang ganitong katagal dahil para kang nagkaroon ng major injury nito sa tagal ng paghinga.

Sa coaching standpoint, naintindahan natin kung saan nanggaling si coach Ayo at coach Nash kung bakit sila lumabag sa protocol.

Hangga’t maari sa buhay ng coaching kung saan ka pwede kumuha ng advantage ay gagawin mo.

Magmula sa recruitment ng mahusay na player unahan.

Pagdating sa mga training unahan din lalo na kung 3 months kang nabakante. May kasabihan tayo sa buhay ng coaching na “you are just as good as your last game.“

Ang palitan ng coaches sa Pilipinas ay mas madalas pa sa pagpalit ng panyo ng tao.

Kahit hindi pa marumi pinapalitan na. Kahit maganda ang performance pwede ka pa rin palitan ng management.

Hindi na rin natin masyado masisi ang mga manlalaro at coaches kung minsan ay nagkakamali nitong mga panahong ito.

Ngayon may pandemic, worth it ba ang sugal sa health ng nakararami lalo na ang daming casualty dito sa COVID-19. Kung dala ng inip, buryong o force of habit tila nabigla mga coaches natin sa situation.

I’m sure they mean well,

Walang kumpiyansa mga ka-Abante sa COVID-19, laging nasa tabi natin ‘yang virus! Huwag tayong kukurap sa problema,

Wash hands, stay apart, iwas sa mga mataong lugar at wear your face shield.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?