42

By

BTS, unang K-Pop group na 1-taong nasa Billboard

Isang taong nakakapit sa US Billboard 200 ang album na “Love Yourself: Answer” ng Korean boy band BTS.

Kaya naman nakagawa na ito ng history bilang first K-pop album na nanatili ng isang taon sa Billboard 200.

Pasok na naman sa No. 165 nitong weekend ang “Love Yourself: Answer” sa America’s main albums chart.

Unang nakagawa ng history ang BTS noong 2016 nang dalawang linggong nanatili ang kanilang full-length album Wings sa Billboard 200.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?