28

Nov 22, 2021 @ 15:33
By

BTS tinanghal na ‘Artist of the Year’

Hindi maitatanggi ang kasikatan hanggang sa ngayon ng South Korean boy group na BTS matapos itong pangalanang ‘Artist of the Year’

Nanalong ‘Artist of the Year’ ang BTS sa ginanap na American Music Awards sa Los Angeles nitong Nobyembre 21, ang pinakamataas na premyo sa pinakamalaking fan-voted ceremony sa buong mundo.

Kabilang sa mga nominado ang mga malalaking pangalan na sina Ariana Grande, Drake, Olivia Rodrigo, Taylor Swift and The Weeknd.

Ang mga nominado ay batay sa performance ng Billboard music chart, radio play, social media engagement, streaming at album sales habang ang mga mananalo ay base sa mga fans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?