7

Jan 11, 2021 @ 20:27
By

BTS strike 4 nang Album of the Year

Inuwi ng grupong Bangtan Sonyeondan (BTS) ang parangal na Album of the Year na iginawad ng 35th Golden Disc Awards kahapon, Enero 10.

Nagtanghal din ang BTS ng kanilang mga hit single na “Black Swan,” “ON,” “Life Goes On,” at slow jam remix ng “Dynamite.”

Ayon sa ulat, BTS ang pinakaunang grupo na nag-uwi ng naturang parangal sa ikaapat na beses.

Kinabibilangan nila Jin, Jimin. V, Jungkook, RM, J-hope at Suga ang BTS na pinangangasiwaan ng BigHit Entertainment sa South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?