19

Jan 18, 2021 @ 18:07
By

BTS ‘Smart’ na

BTS ang mga pinakabagong ambassador ng Smart Communications Inc.

Sa inilabas na video clip ng Smart sa YouTube, makikita ang pitong miyembro ng BTS na nagpapakilala.

“Hello, PHILIPPINES! I am RM. Jin, here. SUGA. J-hope. Jimin. V. Jung Kook. And we are BTS!” pagbati nila.


“Shine through 2021 with SMART’s newest ambassadors: Grammy-nominated BTS.

Let RM, Jin, SUGA, j-hope, Jimin, V and Jung Kook light up the year as they inspire the Filipino youth to keep pursuing their Passion with Purpose.

#SmartBTS
#SimpleSMARTAko” ayon sa caption ng kanilang video.

Sa naturang video ay makikita rin ang bawat miyembro ng BTS na nagsasabing “Simple, Smart ako!”

Noong nakaraang taon nang humakot ng parangal ang BTS sa Mnet Asian Music Awards.

Kinilala silang Artist of the Year noong 2020 at ang kanta nilang ‘Dynamite’ bilang Song of the Year

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?