40

By

BTS performance sa Japan hinarang dahil sa t-shirt

Sharing is caring!

Kinansela ng isang Japanese Television ang performance ng sikat na korean boyband na BTS matapos kumalat ang kontrobersiya ukol sa t-shirt na suot ng miyembrong si Jimin.

Ang sinasabing t-shirt ay mayroong imahe ng pagsabog ng atomic bomb at ng pahayag na nagsasaad ng pagdiriwang ng liberasyon ng Korea.

“PATRIOTISM OUR HISTORY LIBERATION KOREA” nakasaad sa t-shirt ni Jimin.

Sinasabing isinuot ni Jimin ang naturang t-shirt noong nakaraang Agosto 15, 2017, sa selebrasyon ng pagtatapos ng pananakop ng mga Hapon sa Korea noong 1945.

Humakot ng kritisismo mula sa mga Japanese viewers ang pagsusuot nito ng isang miyembro ng banda na naging dahilan upang ipakansela ng TV Asahi’s Music Station ang performance ng mga ito.

Humingi naman ng paumanhin ang BTS sa mga fan na umasa sa pag-ere ng kanilang pagtatanghal ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag ukol sa dahilan ng pagkabulilyaso ng kanilang performance.

“We apologize for disappointing fans who were looking forward to this. BTS will continue their efforts to connect with fans on stage and also through music,” saad ng grupo sa kanilang website.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?