43

Nov 24, 2021 @ 18:59
By

BTS nagperform sa gitna ng kalsada

Lakas-loob na nagperform ang South Korean boy group BTS sa gitna ng kalsada sa Los Angeles.

Namataan ang grupo na nagfi-film sa kalsada kasama ang host na si James Corden nitong Martes.

Itatampok ang kanilang performance sa musical segment sa paparating na episode ng “The Late Late Show with James Corden.”

Ang segment ay kinunan sa crosswalk sa intersection ng Beverly Blvd. at Genesse Ave. sa West Hollywood, sa kaparehong lugar kung saan kinunan ang lahat ng iba pang segment ng Crosswalk the Musical.

Kamakailan, nasungkit ng BTS ang pinakamataas na award sa American Music Award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,