34

Dec 6, 2021 @ 20:50
By

BTS members may kanya-kanya nang Instagram account

Nagkagulo ang Armys matapos magbukas ng official individual Instagram account ang pitong BTS member!

Napansin ng mga fan na nag-follow ng mga bagong account ang official account ng South Korean group.

Sa pag-scroll nakita nila na nasa following list ang account nina V, Jimin, J-Hope, Suga, Jin, RM at Jungkook.

Lahat ng BTS members ay nag-post na ng kanilang first photos upang ipakita ang pagpasok nila sa social media world.

Lahat sila ay agad humakot ng milyon-milyong followers.

Nag-trending ito sa Twitter Philippines ngayong Lunes at maging si Vice Ganda ay naloka.

“Homaygaaaawwwwdddd!! May ig account na mga BTS members!!!!!” tweet ng comedian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,