85

Jun 23, 2021 @ 21:02
By

BTS meal, patuloy na pinagkakaguluhan

Nang dahil sa BTS Meal, tumaas ng 1000% ang bentahan ng Chicken McNuggets, ayon sa pahayag ng McDonald’s Philippines nitong Miyerkoles.

Ito ay kahit pa noong Hunyo 18 pa lamang inilabas ang BTS meal ng nabanggit na fast food company.

Ayon kay Margot Torres, managing director ng nasabing kompanya, noong mismong araw na inilabas ang naturang pagkain ay 3.5 milyong piraso ng McNuggets kaagad ang kanilang naibenta.

Samantala, halos isang milyong BTS meal na rin ang kanilang naibebenta mula noong nakaraang linggo.

“I just wanna point out that the lift in sales was also seen in our other chicken products like Chicken McDo, and other product categories like burgers and desserts,” pahayag ni Torres sa isang phone interview sa GMA News.

Ang isang order ng BTS meal ay may kasamang 10 pirasong Chicken McNuggets, isang medium-sized fries, soda at mga sawsawang sauce.

Dagdag pa ni Torres, karamihan sa mga umoorder ng BTS meal ay sa mga drive-through at delivery services ng McDonald’s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?