8

Sep 28, 2020 @ 9:29
By

BTS may bagong album

Maglalabas ng bagong album ang K-pop boy band na BTS, ang pangalawa nila ngayong taon.

“’BE (Deluxe Edition)’ contains the most ‘BTS-esque’ music yet. The latest story from BTS begins by declaring that ‘even in the face of this new normality, our life goes on’ and imparts a message of healing to fans and to the world,” ayon sa Big Hit Entertainment.

Magiging available worldwide ang “BE” sa Nobyembre 20.

Ilalabas ang nasabing bagong album ng BTS nine months matapos nilang i-release ang kanilang “Map of the Soul: 7” album noong Pebrero 21 ngayon ding taon.

Ang nasabing album ang best-selling album sa South Korea, ayon sa Guinness World Records.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,