58

Jul 19, 2018 @ 13:47
By

BTS, Luhan imbitado sa 60th birthday tribute kay Michael Jackson

Inimbitahan ng dating boss ni Michael Jackson ang Korean boyband na BTS at ang Chinese singer na si Luhan para sa 60th birthday tribute ni MJ.

Ilalabas ang 60th birthday tribute song para kay MJ sa Agosto 29, na kaarawan ni Jackson.

Si Jerry Greenberg ay naging president at CEO ng MJJ Music, na record label ni Jackson.

Sampung taon ang pinagsamahan nila ng King of Pop.

Para umano mapanatili ang legacy ni Jackson, nag-imbita si Greenberg ng artists from all over the world para sumama sa tribute song kabilang na ang BTS at Luhan.

“Michael continues to influence artists from around the world, so I’ve invited some of the biggest global artists to take part in this very special project, including BTS and Luhan from China, among others. My hope is to keep legacy alive, for many generations to come, and this project celebrates Michael’s global contribution to music and dance,” paliwanag ni Greenberg. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?