18

Feb 19, 2021 @ 18:29
By

BTS J-Hope ipinagdiwang ika-27 kaarawan, nag-donate sa mga bata

Sa makatuturang paraan ipinagdiwang ni J-Hope ng BTS ang kanyang ika-27 kaarawan.

Nagbigay kasi siya ng donasyon sa isang child development organisation sa Korea.

Ayon sa pahayag ng ChildFund Korea, nag-donate ang nasabing artist ng KRW 150 milyon o mahigit anim na milyong piso sa kanila bilang suporta sa kanilang edukasyon at sa kanilang mga pamilya.

“I heard that the number of families in vulnerable situations is increasing significantly due to the prolonged COVID-19 crisis, and support for disabled children is urgently needed. I hope this donation will further expand social interest in supporting children with disabilities,” ani J-Hope sa isang pahayag.

Anang organisasyon, matagal nang nagbibgay ng donasyon ang artist sa kanila.

Anila, patuloy nilang bibigyan ng suporta ang mga low-income na pamilya sa kanilang bansa.

“Through the regular donations made by BTS’ J-Hope, interest in children who are suffering from economic difficulties is increasing, and his good influence is leading to increased inquiries in donating by both domestic and foreign ARMY. We will do our best to support children from low-income families, accepting the will of all our sponsors, including J-Hope,” sambit ni ChildFund Korea chairman Lee Je Hoon sa pahayag.

Isa si J-Hope sa mga bumubuo ng South Korean boy band na BTS.

Kasama niya rito sina RM, Jin, Suga, Jimin, V at Jungkook na silang sinasabing pinakasikat na boy band ngayong henerasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?