84

By

BTS ginawang back-up dancers sa Grammy, mga netizen nanggalaiti

Hindi nagustuhan ng mga netizen partikular na ang mga fan ng Korean boy group na BTS ang naging pagtrato sa kanilang mga idolo sa 62nd Annual Grammy Awards.

Anila, ang BTS ang “biggest group on the planet” at hindi dapat naging back-up lang para sa isang viral Tiltok guy na nag-perform sa Grammy.

May mga nainis din na ginawa na ngang back-up dancers ang BTS ay hindi man lang binigyan ang mga ito ng anumang nominations.

“Treating BTS as backups? Damn they are not back up dancer or back up singer! BTS are artists!” sabi ni @Jungshi18.


“BTS are not back-up dancers!” giit naman ni @NationV_US.


“Wtf? Y’all made BTS a back-up dancers then didn’t even give them any nominations? even Map Of The Soul: Persona is one of the best selling albums this year? y’all motherfucking crazy. why? are your tickets can’t sold-out by itself without the help of them?” react ni @hoseoknsprite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?