53
ABANTE bts seoul music awards 27th
By

BTS first time sa Grammys, Lady Gaga gusto makatrabaho

Unti-unti nang nakikilala sa international scene ang K-pop, at isa sa mga dahilan ng pag-usbong nito maging sa Amerika ay ang sikat na boy group na BTS.

Nominado ang BTS para sa kanilang album na ‘Love Yourself: Tear’ na pasok sa banga bilang best recording package, makakatunggali ang iba pang mga nominee na ‘Be the Cowboy’ ng Mitski, ‘Masseduction’ ng St. Vincent, ‘The Offering’ ng The Chairman, at ‘Well Kept Thing’ ng Foxhole.

Sa panayam sa BTS sa red carpet, kanilang inilahad sa Variety ang mga artist na gustong nilang maka-collaboration, kasama na rito sina Camila Cabello, Travis Scott at Lady Gaga.

Maging ang kapwa boy band na H.E.R at si Post Malone ay ilan din sa mga gustong makatrabaho ng K-pop group.

Hindi naman naitago ng BTS, kinabibilangan nina RM, Taehyung, V, Jungkook, Jimin, Suga at J-Hope, ang kanilang excitement sa pagkakasama sa ngayong edisyon ng Grammys.

“It’s our first time ever presenting an award, and also the Grammys so… yeah I stayed up all night,” saad ni RM.

Ang BTS ang kauna-unahang K-pop act na nakasali sa Grammys, na matagumpay na naka-penetrate sa international scene matapos ang collab nila kasama si ang EDM artist na si Steve Aoki para sa kantang ‘Mic Drop’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?