128

Dec 30, 2017 @ 12:26

BSP: ‘Wag basta mag-post ng ‘misprinted’ banknotes sa socmed

Mariing iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na iwasan ang mga hakbang na magbibigay ng duda sa kredibilidad ng kanilang mga perang inilalabas.

Ang pagpo-post umano ng maling banknotes o ‘misprinted’ sa social media ay maghahatid ng pagkalito na may negatibong epekto sa komersyo.

Hiniling din nito na maging mapagmatyag at alerto sa mga nais lang na guluhin o linlangin ang publiko para kumita sa pamamagitan ng pagpo-post, paggawa o pagbebenta ng pekeng ‘misprinted’ notes na walang halaga.

Inulit ng BSP ang panawagan na sakaling makakuha ng maling imprenta o walang mukha na Philippine peso bills ay agad itong dalhin sa kanilang head office sa Maynila, Security Plant Complex sa Quezon City o sa kanilang regional offices at branches para malaman kung tunay ito.

Ang mga sumusunod ang mga numero ng BSP:

BSP Main Office – (02) 7087701

BSP Currency Issue and Integrity Office – (02) 9884834

BSP Corporate Affairs Office – (02) 7087140

Security Plant Complex – (02) 9884800

Naka-post naman sa kanilang website na website: http://www.bsp.gov.ph/contact/regional.asp ang mga numero ng telepono at address ng kanilang regional offices at branches.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?