12

Oct 1, 2020 @ 12:04
By

BSP: Pilipinas makakabayad ng utang

Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga agam-agam na posibleng malubog sa utang ang Pilipinas dahil sa dinaranas na krisis sa COVID-19.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno sa Laging Handa briefing na maraming dollar reserves ang Pilipinas kaya walang pangamba na hindi makakabayad ng utang ang gobyerno sa mga dayuhang financial institution.

Bagama’t halos lahat ng bansa ay pinadapa ng COVID-19 pandemic sa aspeto ng ekonomiya, sinabi ni Diokno na maayos pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas dahil hindi bumababa ang halaga ng piso.

“Iba itong krisis na ito, although it’s unprecedented, maganda ang ekonomiya natin at we have close to 100 billion US dollars na tinatawag na Gross international Reserves. So, walang threat na hindintayo makakabayad ng utang, hindi tayo nauubusan ng dolyar,” ani Diokno.

Ipinagmalaki ng BSP governor na ang piso ang pinakamatatag na currency ngayon sa Asya at pangalawa sa bung mundo,

“Napakalaki ng kumpiyansa sa piso natin, hindi nagde- depreciate. In fact, nag-a-appreciate; second strongest currency in the world and number one in Asia ang piso natin,” dagdag ni Diokno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?