33

Jun 22, 2022 @ 21:57
By

BSP: Paghina ng piso kontra dolyar, hindi senyales na bagsak ekonomiya

Iginiit ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na hindi sumasalamin sa ekonomiya ng Pilipinas ang paghina ng piso kontra dolyar.

Nitong Miyerkoles kasi, nagsara sa P54.47 ang palitan ng dolyar sa piso, pinakamahinang halaga buhat noong 2005.

“It is not a reflection of the economy. It’s just that masyadong malakas ‘yung dolyar. Ang sabi ko nga, if you compare us with the rest of Asian economies, including Japan, nasa middle tayo,” pahayag ng incoming Finance secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?