65

By

BSP: Padala ng mga OFW tumaas ng 5.5%

Umakyat ng 5.5 porsiyento ang remittances ng mga overseas Filipinos noong Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa datos na nilabas ng BSP, tumaas sa $2.896 billion mula sa $2.746 billion noong Mayo 2018 ang personal remittance ng mga OFW.

Sa Amerika nakapagtala ng pinakamataas na remittance sa 36% mula Enero hanggang Mayo 2019 kumapara sa mga padala na nagmula sa Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Canada, Hong Kong, Qatar at Kuwait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?