22

Oct 18, 2017 @ 15:46

BSP: Overseas’ remittances umangat ng 9.4%

Nagpatuloy hanggang noong nakaraang Agosto ang pagtaas ng remittances ng mga Filipino na nasa ibang bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Base sa datos, 9.4 porsiyento ang naitalang pag-angat at nangangahulugan ito ng $2.8 billion remittances.

Mula noong Enero, nasa $20.7 billion na ang naipadalang remittances ng overseas Filipino workers na nagpapakita ng 6.4 porsiyentong pagtaas kumpara sa katulad na panahon noong 2016.

Nakapagrehistro naman ng pinakamalaking remittances noong Agosto ang mga manggagawang Filipino mula United Arab Emirates, US, Singapore at Qatar.

Ngunit mula Enero hanggang Agosto, mahigit 82 porsiyento ng remittances ay mula US, Saudi Arabia, UAE, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at Hong Kong. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?