49

By

BSP naniniwalang bababa na ang inflation rate

Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mababa na ang mairerehistrong inflation rate sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa BSP, ang pagbaba ay bunga ng mas mababang halaga ng langis sa pandaigdigang merkado gayundin sa presyo ng pagkain at kuryente.

Noong nakaraang Setyembre, ang naitalang 6.7 porsiyentong inflation rate ay ang pinakamataas at pinakamabilis simula noong 2009.

Partikular na nabanggit ng BSP ang pagbaba ng presyo ng bigas, sa mga pangunahing dahilan ng inaasahang mababang inflation rate.

Nagsimulang sumirit ang inflation rate noong Enero kasabay ng pagpapatupad ng TRAIN Law, ang tax reform package ng administrasyong Duterte.

Inaasahan na sa mga darating na buwan ay 2-4 porsiyento na ang magiging inflation rate, na target ng BSP.

Sa darating na Martes, ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang October inflation rate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?