169

Jan 8, 2020 @ 19:20
By

BSP, maglalabas ng P500 at P10,000 coins

Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P10,000 at P500 na coins para gunitain ang anibersaryo nito sa Hulyo.

Sabi ng BSP, nagbebenta ito ng P10,000 commemorative coin na gawa sa ginto at P500 na commemorative coin na gawa sa silver.

Para sa mga gustong bumili, ang P10,000 na BSP commemorative gold coin ay binebenta ng P127,000 at ang P500 na BSP commemorative silver coin ay binebenta naman ng P3,500.

Isa lamang ang gold coin na ilalabas na siyang gugunita ng 70 taon ng central banking sa Pilipinas.

Dalawa naman ang silver coins na ilalabas: ang isa ay para gunitain ang 70 taon ng central banking at ang isa naman ay para gunitain ang 25 taong anibersaryo ng BSP.

Hindi intensiyon ng BSP na gawin itong pambayad sa araw-araw ng mga tao dahil dahil ito ay tinatawag na “non-circulation legal tender”.

Para sa mga nais na bumili ng commemorative coins ng BSP, maaaring mag-order sa anniversarycoins@bsp.gov.ph bago mag-January 15, 2020.

Sabi ng BSP, ang pagbili ng mga commemorative coin ay first mail-in, first listed at ito ay gagawin para masigurong lahat ng mga interesado ay magkakaroon ng pagkakataong bumili nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?