105

Sep 28, 2019 @ 17:33
By

BSP maglalabas ng bagong P5, P20

Nakatakdang maglabas ng bagong baryang P5 ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para umano maiwasan nang mapagkamalan itong P1 coin.

Maliban umano sa bagong P5 barya, gagawin na ring barya ang P20 perang papel.

Kapwa magkakaroon ng bagong disenyo ang ilalabas na P5 at P20 coins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?