15

Sep 9, 2021 @ 14:01
By

BSP: Mag-ingat sa pekeng pera

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Huwebes sa publiko na siyasating mabuti ang kanilang mga salapi matapos kumalat ang ilang ulat sa social media tungkol sa mga pekeng P1,000 bill.

“To ascertain the genuineness of the NGC banknotes, the public is advised to use the Feel-Look-Tilt method to check the security features,” pahayag ng BSP.

“Under Republic Act No. 10951, counterfeiters of Philippine currency are subject to the penalty of imprisonment of at least 12 years and 1 day and a fine not exceeding two million pesos,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa BSP, ang mga bagong labas na Peso bills ay gumagamit ng modernong teknolohiya upang mahirap itong mapeke at agad na makikita ang pinagkaiba ng lehitimo sa peke.

Iniimbestigahan na rin umano nila ang kumakalat na ulat tungkol sa pekeng P1,000 bill.

“The BSP encourages the public to immediately report any information on counterfeiting of Philippine currency to the nearest police station or law enforcement agency for appropriate action,” dagdag pa ng BSP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,